BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

Biyernes, Marso 18, 2011

"Barkada k0h"

Miyerkules, Marso 9, 2011

"AKO"

..isa akong estudyante sa CLSU, labing walong taong gulang at kasalukuyang nasa ikatlong taon sa kolehiyo ng edukasyon... naaalala ko noong una kong nakita etong paaralan na ito... ang gaan ng pakiramdam ko di ko maintindihan kung bakit, ngunit nakaramdam din ako ng takot. Dahil alam ko na malayo ito sa aking mga magulang, sa aming tahanan. Ngunit naisip ko habang tangan ng aking Ina ang kamay ko, alam ko kailangan kong matuto... di lamang sa sarili ko, kundi para sa din sa mga magulang ko....
..Lumaki ako sa piling ng mga magulang ko, masasabi ng karamihan na "spoiled brat" daw ako... dahil bukod sa nag-iisang babaeng anak lang ako, ay kilala din ako ng mga tao sa amin bilang bunsong kapatid ng papa ko, dahil panganay si papa, walo silang magkakapatid at puro lalake pa sila... ang mga tito ko ay bantay sarado pagdating saakin. Nasasakal man ako pero Ok lang, nauunawaan ko kahit papano..
..Naranasan ko pa nga na paglabas ng aming eskwelahan ay nandoon na ang mga tito ko para sunduin lamang ako, si papa naman ang naghahatid saakin sa tuwing papasok ako at sa tuwing may mga dapat kaming asikasuhintulad ng mga gr0up projects na kinakailangan pati sabado ay papas0k, ayon may gwardya ako..hehehe mga tito ko. Hay naku minsan gusto ko ng silang takasan pero palagi kong naiisip na kaya nila ginagawa ang mga bagay na iyo ay dahil mahal nila ako... MAHAL, MAHAL, MAHAL... hehehe pagmamahal nga ba?? ganito ang naging buhay ko simula elementarya hanggang sekondarya,
 ..Naalala ko pa noong may nakita silang lalake na kasabay ko, inuugnay kasi ng mga kaklase ko saakin.. kolve team ko daw? hehehe syempre bata pa eh.. ayo text text na! hehehe nabalitaan ko, sinabi nalang ng mga kamag-aral ko na sinita sila ng mga tito ko..tigil tigilan daw at bata pa..hehehe tumawa nalang ako, O.A noh??
..dumating na ang pagtatapos ko sa sekondarya,syempre pili-pili na ng mga papasukang eskwelahan pang kolehiyo... hanggang may isa sa kaibigan ni papa na doon daw ako pumasok sa CLSU, agad kong itinanong "saan y0n??" ayun naman inilarawan niya at naingganyo ako kaya sinubukan ko na mag-exam.. syempre taga Cabanatuan ako di ko din dapat balewalain ang Cabanatuan at nag-exam din ako sa mga kilalang kolehiyo dito.. Lumabas ang resulta ayon lahat pasado, at napili ko nalang na sa CLSU nalang mag-aral, di dahil sa gusto din ng mga magulang ko kundi gusto ko din dito... para matuto sa sarili ko, para makawala sa harang ng paligid ko, at  para malaman ko sa sarili ko kung kaya ko din ang malayo sa magulang ko, yung mag-aasikaso sa sarili ko simula sa paggising, pagpasok at pag-uwi.. basta lahat lahat.. at kung kaya ko din bang umiwas sa mga bagay na alam kong makakasira ng tiwala ng magulang ko tulad ng impluwensya ng mga masasamang barkada at iba pa..
..Ngayon sa awa ng ating Poong may kapal, eto nasa ikatlong taon na ako sa kolehiyo ng edukasyon, sa wakas malapit na....SANA!hehehe

gunita ~ sponge cola